Gumising ako nang maaga. May appointment ako nang 11:30am para sa pag-pi-finger print at pag-sa-submit ng pictures para sa permit of stay ko. Nagkataon naman na may “sciopero”, ibig sabihin may transpo-strike from 8:30am-5pm. Ibig sabihin nun ay tigil pasada ang mga bus, train at MRT. Kaya ang ginawa ko, umalis kaagad ako nang bahay nang maaga para makarating ako sa Ufficio Immigrazione (Imigration Office) para may masakyan pa ako.
Nakarating ako nang 8:30am sa Ufficio, pero dahil 11:30am pa ang appointment, ay hindi agad ako nakapasok, nanghintay ako sa labas, ang init, ang sikip, maraming tao, pawisan na ako. 3 oras ako naghintay bago ako nakapag-submit nang pictures at nakapag-finger print.
Naiwan ko pa wallet ko. Gutom na ako, ‘Di na kasi ako nakapag-breakfast pagmamadali. Buti na lang may nakasabay akong Filipina, nilibre nya ako ng sprite, mejo nahiya pa ako kasi naman ‘di o sya kilala pero nilibre pa ako. Gutom na ako nun pero ‘di na rin ako umabuso pa para magpalibre ng pagkain.
Muli, naghintay kami ng bus, after 1 hour may dumaan na. Sakto, isang sakay na lang at bahay na namin. pero lumipas ang oras.. alas 2 na nang hapon.. alas 3.. 4.. nakaidlip na ako sa tabi ng bus stop. halos 4 na oras ang hinintay ko bago dumating ‘yung bus. Gutom na ako, pagod at sobrang sakit ng ulo.
Naawa tuloy ako sa sarili ko. Para akong tanga. Tumawag ako sa Inay at Kuya ko para ipagluto man lang ako para pagdating ko ay makakakain ako. Ngunit eto, pagdating ko nang bahay.. walang pagkain.. Worse, ‘di nagluto kasi nag-ko-computer LANG pala sila.
Hay, nakakapagod. ‘Di ko makakalimutan ang araw na ‘to..
..itutuloy