Naging magulo at masaklap man ang araw na ito para sa akin ay may nangyari din naman na talagang nagpatuwa sa aking damdamin. Nakausap ko na ‘yung tao na mag-aasikaso sa akin para ma-finalize na ‘yun renewal of permit ko. Masaya ako kasi walang naging hassle. Kumbaga, smoothly ang mga pangyayari. ‘Di ko rin akalain na ganun lang kadali basta kumpleto ka lang sa requirements. Kaya ‘di ko na rin masyadong pinansin ‘yun pagod kasi finally tapos na ang kaba at takot na maging TNT. Syempre, ‘dun tayo palagi sa legal na paraan.
Ang isang bagay na mas nagpaganda nang mood ko ay ang sinabi sa akin nang nasa Ufficio. “balik ka aftr 3months at ready na ang permit mo”.
Abot tenga ang ngiti ko. Ibig sabihin kasi nun, pwede na akong umuwi nang Pilipinas basta may pamasahe ako. After 3months or more, pwede na akong magpakasaya hehe. Wala lang, ang sarap lang sa pakiramdam, ang sarap isipin ‘yung mga ala-ala nun nasa Pilipinas pa ako at excited na akong magbakasyon muli. Sana matuloy ang mga plano ko. dahil matagal ko na rin itong gusto mangyari. Sana. Sana…