Posted by: redcadriel | October 21, 2009

Kinse

Kamusta kaibigan? Ako’y nagbabalik. May gusto akong ibahagi sa inyo. Isang kwento na sana’y makapagbigay aral sa mga kabataan nang bagong henerasyon.

May isa akong kaibigan, itago natin sya sa pangalan Biboy. Si Biboy ay kinse anyos lamang. Isang binatilyong sunod ang layaw. Binibigay nang magulang ang lahat nang naisin nito. Maging ang mga bisyo nito ay suportado nang magulang. Siguro nga ganoon talaga magmahal ang mga magulang.

Naalala ko tuloy, kasama ko ang Ama ni Biboy. Namimili kami ng pagkain, lumapit sya sa akin at nagtanong..

“Magustuhan kaya ni Biboy ang tatak nang beer na ‘to?”

Nagulat ako. Naisagot ko na lang ay isang “opo”.

Isang pang pagkakataon, kasama ko naman an butihing Ina ni Biboy. Gaya nang Ama, kinukunsinti rin nang Ina ang bisyo nang anak. Sigarilyo naman ang binibili nya. Kahit mahal ang halaga.

Balik tayo kay Biboy. Nakasama ko sya nang higit isang buwan. Nagulat ako na lahat nang bago mayroon sya. PS One. PS2, PS3, PSP. Lahat nang makabagong teknolohiya. Mukhang masaya si Biboy ngunit ‘di nya maikubli ang hinanakit sa magulang. Mailap sya. May kung anong bagay na ‘di sila napagkakasunduan sa kabila nang layaw na tinatamasa nang binatilyo.

Nakausap ko si Biboy, masinsinan. May inamin sya sa aking isang bagay na sobrang komplikado. Binigyan nya ako nang dahilan kung bakit nya ginagawa ang bagay na ‘yon. Nangatwiran sya. Pinakinggan ko. Inunawa. Nangako naman sya na ‘di nya gagawin ulit ang bagay na ‘yon sa harap ko.

Lumipas ang mga araw, akala ko OK na si biboy. Akala ko, ‘yon na ang problema nya. Ngunit hindi pala. Pero bakit ‘di nya masabi sa akin. Kaibigan nya ako. Mapagkakatiwalaan. Sinubukan kong kausapin. Nahiya. Nahihirapan ipakita ang tunay na nararamdaman.

Lumipas ang mga araw, 2 buwan na ‘di kami nagkikita ni Biboy. Nagkakatxt, nakakausap sa celfone. Ka-poke sa Facebook. Matamlay sya. ‘Di ko pa rin maunawaan kung bakit? Hanggang sa dumating ang pagkakataon na napagtampi-tampi ko ang kwento.

Tama ako. Tama ang hinala ko. Si Biboy na Kinse anyos pa lamang…

NAKABUNTIS!

Awa ang naramdaman ko. Mabuting kaibigan si Biboy. Mabuting anak. Pero dahil sa kalayaang binibigay nang magulang, dahil na rin sa kagustuhang maging iba, dahil sa mga tao sa paligid nya.. nagkaganoon si Biboy. Malungkot pero blessing in disguise ika nga. Para sa mga kabataan. Unahin ang pag-aaral.

‘Di masamang magmahal, gawing inspirasyon para sa ikatatagumpay. Hindi minamadali ang buhay. Bata ka pa. Maging resposable at matalino sa bawat desisyon.

Advertisement

Responses

  1. naalala ko ang sarili ko sa batang biboy n sana pinagbawalan ako ng magulang, minsan isang araw maiisip ng biboy n yan madmaing bgay sia pagsissihan katulad ko nagyu

  2. it’s a lesson to everyone.
    life can change in an instant.. one mistake can change everything..


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.